Gusto ko lang daw magpakatotoo now at tinamad talaga akong mag-English! HAHAHA! Hindi naman pwedeng Bisaya kasi mas lalo nyong hindi naintindihan.
So anyway, kumuha ako ng mas comfortable na chair kasi masakit na sa pwet ang monobloc chair na ginamit ko. Para naman maisulat ko rin ng maigi ang flow ng ideas ko.
Actually, tong post na to puno lang ng kalandian dahil peg kong chumurva sa bus papuntang Bacolod. You see? Pwede naman kasi talaga akong mag-direct flight from Dumaguete to Manila pero pinahirapan ko talaga ang sarili ko and I braved the road trip to Bacolod kahit masakit sa pwet. (Muntik tuloy maging PWET ang title ng post na to.)
This is very identical to the Ceres bus I took going to Bacolod...
(They all look the same actually!)
So since hindi ko naman alam ang schedule ng buses going to Bacolod (dahil last time tinanong ko tong si kuyang nasa information booth ang sabi nya every 40 minutes daw ang byahe). I forgot to ask the schedules for Air-Conditioned buses going to Bacolod. Buti nalang, yung nasakyan kong bus going to Dumaguete eh sinabing maabutan ko pa ang trip to Bacolod from Dumaguete na aircon.
Goodbye Dumaguete.... Hello Bacolod!
(Kinikilig pa ako nito kasi katabi ko si Hunky Koya!)
The moment na dumating tong bus sa Dumaguete terminal... Eh mega takbo na agad ako sa isang bus na papuntang Bacolod. Nag-effort pa ako with fasyon that time! Syempre kailangan fashionable pag bumibyahe!
Ayon! Nakita tong si hunky kuya... Sabi ko syempre sa sarili ko... "Tabi na ako dito!" And winner kasi vacant yung malapit sa window na seat at katabi ko pa tong hunky kuya na to. Actually mukha syang bouncer! HAHAHA! (Trip ko na pala ang bouncer ngayon?)
So apparently, mega pa-cute ako kay kuya. Mabait naman sya. Wala syang ginawang masama saken. Sayang! HAHAHA! But then, he got off the bus in Kabankalan, one of the cities in Negros Occidental. At buti nalang wala din akong ginawang masama... Because he had a GUN under his shirt!!!! =) Kaloka! I was sitting beside a guy who had a gun. Real gun it is! SHOKOT kung sinapian si KOYA!
Kalevel ang yumminess ni Lanz sa Chicken Inasal at buko pie na binigay nya saken.
Smitten ako sa kanya!
But winner din ang replacement ni KOYA! Dahil ang next na tumabi saken ay cutie chinito! Sabi ko sa sarili ko -- "Its my lucky day at sulit ang 6-hour bus ride to Bacolod!" He was the nicest! In fact, he mad me try the BUKO PIE (as in bumili sya para matikman ko!) Yumyum!.... But I did not eat it right away... In exchange, binigyan ko na din sya ng peanut brittle na binili ko din sa bus. HAHAHA! Exchange gift ito. I invited him for dinner because he suggested that I eat dinner at
Chalet Restaurant. But then, he politely refused. Sapat na ata ang peanut brittle na binigay ko sa kanya. KILIG! Friends na nga pala kami on Facebook at may common friend pa kami.
Ganda lang ng Lola Geztel nyo dito... Dormmate ko sya sa Mansion dati... and gracious host while I was in Bacolod... Mega-drive around the city and even hanggang airport kahit duty din sya the next day!
Best in Crop ako sa photo ni Tita Shane (Shanie Bear) sa Facebook kasi wala nga kaming photo together dahil shonga lang ako at naiwan ko sa hotel ang camera... Hindi rin umubra ang Blackberry photos ko sa sobrang dilim ng kuha nito... Best in Explanation din pala...
My friends Geztel and Shane picked me up at the bus terminal. Medyo matagal din sila kaya medyo panic mode narin ako. Naka-Sunday dress pa si Tita Shane! Wala kaming picture together kasi loser ako. Yung camera na dala ko. Walang charger! HAHAHA! Ako na ang hindi ready.
We stayed at Business Inn Hotel Bacolod for the night...
(Useless lang kasi 1 hour lang ang tulog ko!)
Direcho na kami sa Business Inn Hotel Bacolod. Freshen up. Lipad na agad! Dinner at Manokan Country and winner talaga ang chicken inasal nila. Gusto kong magbaon at magdala sa Manila at ipatikim ko na rin sa mga kasama ko sa work. Pero baka mapanis. So Bong Bong nalang ang dinala ko for them.
Ito ang pinaka-winner sa Bacolod trip ko...
Winner talaga ang Chicken Inasal nila! SUPERRR!
Nag high blood din ata ako dun sa sobrang dami ng kinain ko. Went to Tropics for some drinks. Na-trauma na ako from what happened
last night. So tweetums ako when I was drinking!
Gusto ko na matulog that time kasi useless ang bayad sa hotel kung hindi rin namin magamit. But then, ayaw matulog ni Waldo! Marami pa syang energy so punta muna kami ng MO2 Ice Bar. Dance-laloo with a stranger at flirt lang ng flirt. Pumatong sa ledge at ganap ang ledge dancing. Tugsh tugsh until 3 in the morning. Slept for an hour at the Business Inn Hotel. Packed-up. Hot shower. Gezzy drove me to Silay International Airport. Bought pasalubong at Bong Bongs. Flylalooo na to Manila. Took the taxi to work!
Ako na ang vampire. One hour lang ang tulog ako dahil binasa ko pa ang magazine sa plane about Prague. But I survived the day. Nakauwi naman ako ng maayos. Naisip ko lang. Parang ang haba ng 4-day long weekend ko but honestly sobrang bilis lang nya. Gusto ko pang mag-extend pero hindi na pwede. No more moooolah narin ako.
So back to reality na and work work work nanaman ulit. Para may pang bakasyon nanaman! Sa Prague na talaga next time. HAHAHA!
Yun na ang best vacation ever ko!!! =)